Pumalo sa 1,776 ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Dahilan para umakyat sa 465,724 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng nakahahawang sakit sa bansa batay sa pinakahuling tala ng Department of Health.
Pito naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi para umakyat sa 9,055 ang kabuang bilang ng fatalaties na may kinalaman sa COVID-19.
Umabot naman sa 533 ang nadagdag ang bilang ng mga pasyenteng nakarekober mula sa virus.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,776 ngayong Huwebes, Disyembre 24.
Pumalo na sa kabuuang 465,724 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 26,179 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/6xo6D8okHj— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 24, 2020