Sumirit na sa higit 1.1 milyon ang kabuuang bilang ng dinadapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Brazil.
Sa datos, nakapagtala rin ang naturang bansa ng mahigit 50,000 mga nasasawi dahil sa COVID-19.
Habang mayroon namang tinatayang 600,000 indibidwal ang gumaling o nakarekober na sa banta ng nakamamatay na virus.
Samantala, sa kapehong datos, mayroon pa ring higit 485,000 mga active COVID-19 cases.