Nadagdagan pa ng 32 ang mga residente sa Bontoc Mountain Province na nagpositibo sa COVID-19 kasunod ng isinagawang community testing doon.
Ayon kay Testing Czar Vince Dizon, nasa 1,709 nang residente ng bayan ng Bontoc ang kanilang naisailalim sa COVID-19 test.
Dagdag ni Dizon, lumabas sa naturang community test na nasa 1.87 ang positivity rate sa bontoc.
Magugunitang noong Lunes, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 83 close contact ng 12 nagpositibo sa UK variant sa Bontoc ang nagpositibo rin sa coronavirus.
Samantala, dalawa naman sa 418 isinailalim sa testing sa Sagada ang nagpositibo rin sa COVID-19.
Sa kabuuan umaabot na sa 819 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Cordillera Administrative Region kung saan 230 sa mga ito ang active case.