Pumalo na sa higit 500,000 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Brazil.
Nitong magdamag kasi, nadagdagan ng higit 27,000 bagong kaso ng virus ang naturang bansa.
Sa kabuuan mayroon nang 583,980 ang nakumpirma na kaso ng virus.
Nadagdagan din ng higit 1,000 ang mga nasawi dahil sa COVID-19, kaya’t lumobo na ang death toll ng Brazil sa 32,500.
Sa pinakabagong tala, pumangalawa ang Brazil sa bansa na mayroong pinakamaraming kaso ng virus kasunod ng Estados Unidos.