Abot kamay na ang 12 milyong kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Sa pinakahuling datos nasa 11,031,000 na ang global cases ng COVID-19 matapos madagdagan ng mahigit 170,000 na mga bagong kaso sa nakalipas na magdamag.
Nananatili namang ang Estados Unidos ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo at kabilang din sa mayroong mataas na kaso ng virus ang Brazil, India, Russia, Peru, Spain, Chile, United Kingdom, Mexico at Iran.
Samantala sumampa na sa mahigit 540,000 ang death toll sa buong mundo dahil sa COVID-19 kung saan pinakamaraming naitalang nasawi ang Amerika na nasa halos 133,000.
Pumapalo naman sa mahigit 6,600,000 ang total recoveries samantalang nasa 4.5 milyon pa ang aktibong kaso.