Patuloy pa rin ang pagtaas sa bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo, halos isang taon matapos maitala ang unang kaso sa China noong Disyembre ng nakaraang taon.
Batay sa pinakahuling tala, pumapalo na sa mahigit 79.85 million ang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa nabanggit na bilang, mahigit 1.7 million na ang nasawi.
Samantala, nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa mga bansang pinakamatinding naapektuhan ng COVID-19 kung saan nakapagtala na ito ng mahigit 18.6 million na kaso at higit 330,000 na pagkasawi.
Pumapangalawa pa rin ang India na nakapagtala na ng mahigit 10.1 million na kaso at higit 147,000 na death toll.
Pangatlo ang Brazil na mayroon nang mahigit 7.4 million na kaso at 190,000 na namatay dahil sa COVID-19.