Pumalo na sa mahigit 23.4-milyon ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Batay sa datos ng World Health Organization (WHO), mahigit 809,000 sa nabanggit na bilang ang nasawi dahil sa COVID-19, habang higit 14.8-milyon na ang gumaling.
Sa pinakahuling ulat, nangunguna ang India sa nakapagtala ng pinakamaraming bagong nasawi sa COVID-19 sa isang araw na umaabot sa 836.
Sinusundan ito ng Brazil na nakapagtala naman ng 494 na bagong nasawi at Estados Unidos na 433.
Gayunman, nananatili pa rin ang Estados Unidos bilang bansang pinakamatinding naapektuhan ng COVID-19 na nakapagtala na ng mahigit 5.7-milyong kaso at mahigit 177,000 nasawi.
Pumapangalawa naman ang Brazil na mayroon nang mahigit 114,000 death toll mula sa mahigit 3.6-milyong mga kaso.
Pangatlo ang Mexico na nakapagtala ng mahigit 60,000 pagkasawi dahil sa COVID-19 mula sa mahigit 560,000 kaso.