Sumampa na sa mahigit 7-milyon ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo, ayon sa pinakahuling datos ng Agence France-Presse tally.
Umabot naman na sa 403,449 katao ang nasawi sa buong mundo dahil sa nasabing sakit.
Nangunguna pa rin ang United States sa lubhang naapektuhan ng COVID-19 kung saan mayroon na itong 110,514 death toll.
Sinundan ito ng Britain na may 40,542 na nasawi, Brazil na mayroong 36,455, Italy na may 33,899 at France na may 29,155.