Pumapalo na sa mahigit 10.5 milyon ang naitatalang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo
Batay sa pinakahuling datos nasa 10,577,000 na ang global cases ng COVID-19 matapos maitala ang mahigit 170,000 bagong kaso sa nakalipas na magdamag.
Nangunguna pa rin ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na halos nasa tatlong milyon na.
Ikalawa sa nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng COVID-19 ang Brazil – halos 1.5 milyon, Russia – halos 650,000 cases, India – halos 600,000, United Kingdom – mahigit 300,000 cases, Spain, Peru at Chile – halos tig 300,000 kaso, italy – halos 241,000 cases at Iran – halos 230,000 cases