Pumapalo na sa mahigit 10 milyon ang naitatalang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos nasa 10,228,000 na ang global cases ng COVID-19 matapos maitala ang mahigit 150,000 bagong kaso ng nasabing virus sa nakalipas na magdamag.
Nananatiling ang Estados Unidos pa rin ang nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng kaso na nasa mahigit 2,600.
Sumunod sa Amerika ang Brazil – halos 1.4 million, Russia – mahigit 600,000, India – halos 600,000, UK – mahigit 300,000.
Ika anim ang Spain – halos 300,000, Peru – halos 280,000, Chile – halos 272,000, Italy – mahigit 240,000 at iran – halos 223,000.