Pumapalo na sa mahigit 11,500,000 ang naitatalang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Lumalabas sa pinakahuling datos na nasa mahigit 172,000 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa nakalipas na magdamag dahilan kaya’t umakyat na sa 11, 547,000 ang global cases ng nasabing virus.
Ang Estados Unidos pa rin ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng COVID-19 na nasa halos 3-M na matapos marehistro ang mahigit 42,000 bagong kaso ng virus sa bansa.
Kabilang pa sa mga nakapagtala ng mataas na kaso ng kumpirmadong COVID-19 cases ang Brazil – 1, 604, 585, India – 697, 836, Russia – 681, 251, Peru – 302, 718, Spain – 297, 625, Chile – 295, 532, United Kingdom – 285, 416 at Mexico – 252, 165.