Pumapalo na sa mahigit 18.2 million ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos nadagdagan pa ng mahigit 212,000 ang kabuuang kaso ng COVID-19 na nasa 18,221,056.
Nananatiling ang Amerika ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso na sumampa na sa halos 5 milyon, ikalawa ang Brazil na nasa halos 3 milyon na, India – halos 2 milyon, Russia – halos 900,000, South Africa – mahigit 500,000.
Pasok din sa 10 bansang nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 ang Mexico at Peru – kapwa mayroong mahigit 400,000 kaso, Chile – halos 360,000 at Spain at Colombia – mahigit 300,000.