Umakyat na sa mahigit 64.56 million ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos, mahigit 1.4 million sa naturang bilang ang nasawi.
Patuloy pa ring nangunguna ang Estados Unidos sa mga bansang pinakamatinding naapektuhan ng COVID-19.
Sa datos ng US, pumalo na sa higit 13 million ang kumpirmadong kaso at mahigit 260,000 na ang namatay sa kanilang bansa.
Pumapangalawa pa rin ang India na mayroong higit siyam na milyong kaso at higit 136,000 na deathtoll.
Pangatlo ang Brazil na nakapagtala na ng higit anim na milyong kumpirmadong kaso at halos 172,000 na pagkamatay dahil sa COVID-19.