Sumampa na sa mahigit 65 milyon ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Ayon sa ulat, 65,084,394 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba’t-ibang panig ng daigdig habang nasa mahigit 1.5 milyon na ang death toll.
Sinasabing ang pagtaas na ito ay dulot ng pag-angat din ng kapasidad ng mga bansa sa usapin ng mass testing partikular na sa Europa at Estados Unidos.
Sa nakalipas na isang linggo, nasa 1.7 milyon ang bagong impeksiyon na naitala sa 52 European countries habang 14 milyon naman sa US, maliban sa 276,000 na bilang ng mga pasyenteng pumanaw mula sa naturang sakit.