Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo na pumapalo na sa mahigit 26.75 milyon.
Sa nabanggit na bilang mahigit 875,000 na ang nasawi.
Nananatili pa rin ang Estados Unidos bilang bansang pinakamatinding naapektuhan ng COVID-19 kung saan nakapagtala na ito ng umaabot sa mahigit 6.2 milyong kaso at 187,000 pagkasawi.
Pumapangalawa ang Brazil na mayroon nang mahigit 4 na milyong kabuuang kaso at higit 125,000 namatay.
Sinusundan ng India na nakapagtala na rin ng mahigit 4 na milyong kaso ng COVID-19 at mahigit 69,000 deathtoll; at Russia na mayroong mahigit 17,000 nasawi mula sa mahigit isang milyong kumpirmadong kaso.
Samantala sa pinakahuling tala sa Pilipinas, umaabot na sa kabuuang 235,570 kaso ng COVID-19 at 3,790 pagkasawi.