Umabot na sa mahigit 49.1 milyon ang kabuuang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Batay ito sa pinakahuling tala ng World Health Organization (WHO) kung saan mahigit sa 1.2 milyon na ang nasawi dahil sa COVID-19.
Ayon sa WHO, nananatili pa rin ang Amerika bilang bansang pinakamatinding naapektuhan ng COVID-19 matapos makapagtala na mahigit 9.5 milyong kumpirmadong kaso.
Habang pumalo na sa higit 233,000 ang nasawi.
Pumapangalawa ang India na nakapagtala na ng higit 8.4 na milyong kumpirmadong kaso at higit 125,000 pagkasawi dahil sa COVID-19.
Sinusundan ng Brazil na mayroon nang halos 5.5 milyong kumpirmadong kaso at higit 161,000 deathtoll.
Russia na nakapagtala na ng higit 1.7 milyong COVID-19 case at higit 30,000 pagkamatay at France na mayroon nang mahigit 1.6 na milyong kaso at halos 40,000 pagkasawi.
Samantala, nasa ika-25 puwesto naman ang Pilipinas na umaabot na sa mahigit 393,000 COVID-19 case at halos 7,500 namatay.