Umakyat na sa mahigit 24.84 na milyon ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 mula sa mahigit 210 mga bansa at teritoryo sa buong mundo.
Sa nabanggit na bilang mahigit 837,000 na ang nasasawi.
Samantala, nananatili naman ang Estados Unidos bilang bansang pinakamatinding tinamaan ng COVID-19 kung saan pumapalo na sa mahigit 5.9 na milyon ang kabuuang kaso at mahigit 181,000 ang nasasawi.
Pumapangalawa naman ang Brazil na mayroon nang kabuuang 3.8 milyong kaso ng COVID-19 at mahigit 119,000 death toll.
Pumapangatlo ang India na nakapagtala na ng mahigit 3.4 na milyong kaso at higit 62 nasawi dahil sa COVID-19.
Sinusundan ng Russia na mayroon nang mahigit 980,000 kaso at halos 19,000 nasawi at pumapalo na sa halos 630,000 ang kaso at death toll na higit 28,000.
Samantala, nasa ika-22 naman ang Pilipinas sa listahan na mayroong kabuuang 213,131 kaso ng COVID-19 kung saan 3,419 na ang nasawi.