Nadagdagan pa ng halos 200,000 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.
Dahil dito pumapalo na sa 10,792,000 na ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Nananatiling Amerika ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng COVID-19 na nasa halos 2,800,000 na, ikalawa ang Brazil – halos 1.5 milyong kaso ikatlo ang Russia – mahigit 655,000 India – 605,000 at United Kingdom – halos 314,000.
Nakapagtala rin ng mataas na kaso ng COVID-19 ang Spain, Peru, Chile, Italy at Iran.