Pumalo na sa mahigit 3-milyon ang naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mahigit 190 mga bansa sa buong mundo.
Batay sa talaan, halos 80% ng nabanggit na bilang ay mula sa Estados Unidos at ilang mga bansa sa Europa.
Samantala, umaabot na sa mahigit 209,000 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa buong mundo.
Pinakamarami pa rin dito ay mula sa Estados Unidos na nakapagtala na ng mahigit 55,000 pagkamatay.
Sinusundan pa rin ito ng Italy bilang ikalawang pinakamatinding tinaman ng COVID-19 na bansa kung saan umabot na sa halos 27,000 ang nasawi.
Ikatlo ang Spain na mayroon nang mahigit 23,500 mga namatay dahil sa COVID-19.