Pumalo na sa kabuuang 11,941,783 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Ito’y makaraang maitala ang higit 200,000 bagong kaso ng nakamamatay na virus sa nakalipas na 24-oras.
Higit 6.8 na milyon naman ang bilang ng mga COVID-19 patient ang tuluyan nang nakarekober o gumaling sa virus, at nasa 4.5 milyon naman ang itinuturing na active cases.
Sa kaparehong bulletin, naitala rin ang kabuuang 546,601 na mga nasawi dahil sa COVID-19.
Samantala, lumalabas sa datos na Estados Unidos pa rin ang may pinakamaraming naitalang nasawi sa virus na umabot sa higit 100,000, at sinundan naman ng Brazil bilang pangalawa, at pangatlo ang United Kingdom.