Pumalo na sa kabuuang 12,155,395 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Ito’y makaraang maitala ang higit 200,000 bagong kaso ng nakamamatay na virus sa nakalipas na 24 oras.
Kasunod nito, lumalabas sa datos na Estados Unidos pa rin ang may pinakamaraming naitalang kumpirmadong kaso ng virus na umabot sa higit 3 milyon.
Samantala, sa pinakahuling datos, tumuntung na ang Pilipinas sa ika-36 sa mga bansa sa mundo, na may pinakamaraming naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19.