Pumapalo na sa may kabuuang 16,895,202 ang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Nangunguna pa rin ang Amerika sa mga bansang may pinakamaraming kaso na naitala sa COVID-19 na nasa kabuuang 4,498,343 na bilang.
Pumangalawa naman ang Brazil na mayroong naitalang 2,484,649 at India sa mayroong 1,532,135 na mga kaso.
Lumobo naman ang bilang ng mga gumaling sa naturang virus sa buong mundo na may naitalang kabuuang 10,458,632.
Samantala, nakapagtala naman ng may kabuuang 663,476 bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.