Pumapalo na sa mahigit 6,000 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Cebu City.
Ito ay matapos maitala ang dagdag na 150 kaso ng COVID-19 sa lungsod kahapon.
Sa kabuuang kaso ng confirmed COVID-19 cases sa Cebu City nasa mahigit 3,000 na ang gumaling matapos maitala ang 90 bagong recoveries habang nasa halos 3,000 pa ang aktibong kaso.
Isa naman ang naitalang panibagong nasawi kaya’t umakyat na sa 221 ang bilang ng mga nasawi sa Cebu City dahil sa COVID-19.