Umaabot na sa halos 5,000 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Cebu City.
Ayon sa mga otoridad sumampa na sa 4,962 ang kaso ngayon ng COVID-19 sa Cebu City matapos maitala ang dagdag na 131 bagong kaso rito.
Sa naturang confirmed COVID-19 cases 2,596 na ang mga gumaling kabilang na ang 157 bagong recoveries.
Anim naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi sa Cebu City dahil sa COVID-19 na ngayo’y nasa 156 na sa kabuuan.