Naitala ang 19 na bagong mga nasawi sa lungsod ng Cebu dahil sa nakamamatay na virus.
Ito ang lumabas sa datos mula sa health department ng Cebu City, magmula noong Mayo 14 hanggang nitong Hunyo 20.
Kasunod nito may ilang mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) related deaths na hulng nailabas, dahil sa ‘late’ na pagrerelease ng resulta sa swab test ng mga nasawi sa COVID-19.
Sa kaparehong bulletin, nakapagtala rin ang Cebu City ng karagdagang 70 kaso ng virus.
Dahil dito, sa kabuuan, pumalo na sa 4,607 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Samantala, sa naturang bilang 2,321 rito ang gumaling na, habang nasa 2,167 pa ang active COVID-19 cases.