Pumalo na sa kabuuang 5,027 ang kabuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa probinsya ng Cebu.
Ito’y makaraang maitala ang 26 na panibagong mga kaso ng virus.
4,110 naman ang bilang ng mga nakarekober o tuluyan nang gumaling sa COVID-19.
Habang nananatiling nasa 327 ang nasawi rito.
Sa datos ng DOH Central Visayas, ang lungsod ng Cebu ay mayroon nang 9,720 na mga kaso ng COVID-19.
2,246 naman sa lungsod ng Lapu-Lapu.
Habang 2,319 naman ang kabuuang kaso ng virus sa lungsod ng Mandaue.
Kasunod nito, inihayag ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña na kabilang ang Cebu sa mga lugar na isasagawa ang clinical trials para sa bakuna kontra COVID-19.