Umakyat na sa mahigit 11,300 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Central Visayas.
Kasunod ito nang nadagdag na 247 bagong kaso ng nasabing sakit sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa Department of Health (DOH) Central Visayas Center for Health Development nasa 11,396 na ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa naturang bilang 6,373 ang aktibong kaso at 501 na ang nasawi.
Nakapagtala naman ng 674 na bagong recoveries kaya’t nasa 4,522 na ang total recoveries.
Ang Cebu City pa rin ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 na nasa halos 2,000 Mandaue City – mahigit 1,000, Lapu-Lapu City – mahigit 1,000 Negros Oriental – 61 at 46 sa Bohol.