Patuloy ang pag-akyat ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Central Visayas.
Ito, ayon kay Professor Guido David ng OCTA Research team, ang napansin nila simula pa lamang ng ikalawang linggo ng Enero.
Sinabi pa sa DWIZ ni David na Cebu City ang nakakapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 na ngayo’y nasa mahigit 100 kaso na ng nasabing sakit.
Matagal na nating nakikita ‘yan noon una pa lang, noong January pa lang, narecord na natin ‘yan, patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng kaso. Kasi galing ng holiday, December, sa Cebu City, mababa lang ‘yung bilang ng kaso, ito ‘yung mga new cases per day, so, parang less than 10 lang sila, 10 cases per day. Ngayon 130 cases ‘yung average nila, atyaka pataas nang pataas, kaya nakakapangamba ‘yon,” ani David. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais