Pumalo na sa kabuuang 14,687 ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Central Visayas.
Ito’y makaraang maitala ang dagdag na 258 na panibagong kaso ng nakamamatay na virus, kahapon, ika-23 ng Hulyo.
Batay sa datos ng Department of Health (DPH)-Central Visayas, 7,159 na lang ang active cases.
Nasa 714 naman ang bilang ng mga nasasawi dahil sa COVID-19.
Bukod pa rito, nakapagtala ng panibagong 162 na mga gumaling sa COVID-19, kaya’t 6,814 na ang kabuuang bilang ng gumaling o nakarekober sa virus.
Sa kaparehong datos, lumalabas na Cebu City pa rin ang may pinakamalaking bilang na naitatala sa Central Visayas na sumirit sa higit 8,000 COVID-19 cases.