Pumalo na sa kabuuang 12,669 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Central Visayas.
Muling tumaas ang bilang ng nagpositibo sa virus, makaraang madagdagan pa ito ng 187 na mga bagong kaso kapahapon, 15 ng Hulyo.
Sa datos ng DOH-Central Visayas, 6,454 ang itinuturing na mga active cases.
Nasa 5,601 naman na ang kabuuang bilang ng mga gumagaling sa nakamamatay na virus, matapos na maitala ang panibagong 117 na nakarekober dito.
Habang naitala rin ang panibagong 17 na namatay sa virus, kaya’t umabot na sa 614 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon.
Samantala, sa datos, sa Central Visayas, nananatiling lungsod ng Cebu ang may pinakamataas na bilang ng COVID-19 na umabot na sa 7,685, habang nanatili pa ring COVID-free ang Siquijor.