Sumampa na sa halos 13,000 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Region 7 o Central Visayas.
Ayon sa DOH Central Visayas Center for Health Development nasa 12,931 na ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon
Sa naturang bilang mahigit 6,000 ang aktibong kaso.
Nasa mahigit 600 na ang death toll ng COVID-19 sa Central Visayas matapos madagdag ang 17 bagong nasawi.
Pumapalo naman sa halos 6,000 na ang total recoveries matapos maitala ang mahigit 100 mga bagong gumaling sa naturang sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 ay nagmula sa Cebu City – 7, 782, Mandaue City – 2, 293, Lapu-Lapu City – 1, 360, Negros Oriental – 68, at Bohol – 55.