Umabot na sa 335 ang karagdagang COVID-19 cases sa Davao Region sa nakalipas lamang na 24 oras.
Kumpara ito sa 152 cases na naitala noong Martes ng hapon.
Ayon sa Department of Health-Region 11, October 21 pa noong huling makapagtala ng mahigit tatlundaang kaso sa isang araw ang rehiyon.
Inihayag naman ni Interior and Local Government Regional Director Alex Roldan na pinaghahandaan na ng mga otoridad sa Davao ang posibleng pagsipa ng COVID-19 cases, partikular ang Omicron variant.
Magugunitang kabilang ang Davao City sa mga pinaka-bagong lugar na isasailalim ng Inter-Agency Task Force sa Alert level 3 simula bukas.
Aabot na sa 811 ang active COVID-19 cases sa nabanggit na Lungsod.