Umabot na sa critical level ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.
Ipinabatid ni Dennis Ordonia tagapagsalita ng EAMC na tumaas ang bilang ng COVID-19 patients sa kanilang ospital mula nang ibaba sa general community quarantine ang Metro Manila.
Sinabi ni Ordonia na nasa 20 porsyento ng mga pasilidad ng East Avenue ay nakalaan sa COVID-19 patients subalit target nilang itaas ito sa30 porsyento para ma accommodate ang mas marami pang pasyenteng dinapuan ng COVID-19.