Nasa 84 na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang naitala sa Eastern Visayas.
Ayon sa Department of Health (DOH) Eastern Visayas, dahil sa dagdag na mga kaso, pumapalo na sa 1,765 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Nasa mahigit 1,000 na ang naitalang total recoveries sa Eastern Visayas matapos madagdag ang mahigit 600 bagong gumaling mula sa naturang virus.
Ang mga naitalang bagong kaso ng COVID-19 ay mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Eastern Samar, Leyte, Samar, Southern Leyte at Eastern Samar at karamihan sa mga bagong nagpositibo ay pawang close contact ng mga nauna nang pasyente.
Bukod pa ito sa mga locally stranded individuals (LSIs) na umuwi sa kani-kanilang mga bayan.
Kasama rin sa mga bagong kaso ang tatlong healthcare workers mula sa Borongan City at San Julian sa Eastern Samar.