Nakapagtala ng 120 panibagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Pambansang Pulisya.
Sa pinakahuling datos, nasa kabuuang 3,669 na mga pulis na ang dinapuan ng COVID-19.
Sa naturang bilang, 628 ang itinuturing na probable cases habang 2,810 naman ang mga suspected cases.
Nadagdagan din ng 69 ang bilang ng mga nakarekober sa virus kaya’t pumalo na ang total recoveries sa 2,626.
Sa kaparehong datos, nanatiling nasa 16 ang bilang ng mga pulis na nasawi dahil sa COVID-19.