Pumalo na sa kabuuang 2,732 ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ayon sa datos ng PNP Health Service, ito’y makaraang maitala ang panibagong 111 bilang ng mga kaso ng nakamamatay na virus.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 sa hanay ng PNP, 764 dito ang itinuturing na probable case, habang 2,202 naman ang mga suspected cases.
Sa kaparehong kalatas, naitala rin ang 43 mga panibagong gumaling sa virus, kaya’t nasa 1,800 ang total recoveries nito.
Samantala, isa naman ang nadagdag sa bilang ng nasawi sa hanay ng PNP kung kaya’t pumalo na sa 13 ang bilang ng mga nasasawi sa hanay ng Pambansang Pulisya dahil sa COVID-19.