Pababa na ang trend ng COVID-19 cases sa lahat ng island group sa bansa.
Ayon sa Department of Health, nasa moderate o low risk na rin ang COVID-19 classification ng lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa Region 9.
Bumaba naman ang COVID-19 two week growth rate sa -44% at Average Daily Attack Rate (ADAR) na 8.26.
Habang nasa 48.87% ang hospital bed utilization ng bansa at nasa 62.39% naman ang ICU utilization.
Sa kabila nito, nasa high risk naman ang health care system capacity Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley Region.
Binigyang-diin naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang patuloy na pagpapaigting ng local response sa lahat ng lugar sa bansa upang mapababa ang COVID-19 daily cases. —sa panulat ni Hya Ludivico