Pumalo sa kauna-unahang pagkakataon sa tatlong libo ang kaso ng COVID-19 sa Tokyo, Japan.
Ito ay matapos ang isang araw na ganapin sa Tokyo ang Olympic 2020 mula nitong nakaraang linggo.
Nalampasan na na nito ang kaso na 2, 540 nitong Enero 7.
Dahil dito, nakapagtala ng kabuuang daily case ang Japan ng halos pitong libo, unang beses rin ito simula noong Mayo 12.
Tinanggi naman ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga ang posibilidad na kanselahin ang Tokyo Olympics dahil sa nasabing pagbugso ng kaso.―sa panulat ni Rex Espiritu