Lumobo na sa 62 ang kaso ng COVID-19 sa kongreso.
Ito’y makaraang dapuan ng virus ang dalawang kawani nito mula sa engineering department.
Ayon kay House Secretary-General Atty. Jose Montales, pawang close contacts ang mga ito ng nauna nang nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang tanggapan.
Nabatid na huling nag-report sa trabaho ang dalawa noong August 24 at 25.
Kasunod nito agad na ipinag-utos ang pagsasagawa ng contact tracing para sa mga nakasalamuha ng mga panibagong nagpositibo sa virus.