Tumaas pa sa 58% ang daily COVID-19 cases sa labas ng Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon ngayong Linggo.
Ito, ayon sa OCTA Research Group, ay kumpara sa 12% na naitala noong January 11.
Inihayag ni, OCTA fellow Dr. Guido David na posibleng magpatuloy ang paglobo ng covid-19 cases sa labas ng tatlong nabanggit na rehiyon kaya’t dapat pa ring mag-ingat ang publiko.
Sa datos ng Department of Health kahapon, umabot sa 29,828 ang additional COVID-19 cases sa bansa, pinakamarami o 5,178 ay mula sa Metro Manila; 4,227 sa Calabarzon at 2,787 sa Central Luzon.
Indikasyon anya ito na hindi lamang sa tatlong pangunahing rehiyon nagmumula ang dumaraming bilang ng COVID-19 cases.
Samantala, bumaba naman sa 273,580 ang aktibong kaso ng COVID-19 habang umabot na sa 3,417, 216 ang mga nagkasakit.