Nadagdagan pa ng 18 ang bilang ng mga dinadapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Mandaluyong City.
Ito’y batay sa datos na inilabas ng health department ng lungsod.
Dahil dito, nasa kabuuang 980 na ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakamamatay na virus sa lungsod.
Sa naturang bilang, 215 rito ang tinuturing na active COVID-19 cases; 151 ang probable cases; at 746 naman ang suspected sa virus.
Sa kaparehong bulletin, naitala rin ang 13 panibagong naka-recover sa COVID-19 sa lungsod.
Dahil dito, kabuuang 699 na ang bilang ng mga gumagaling sa virus, habang nasa 66 na residente pa rin ng lungsod ng Mandaluyong ang naitatalang pumanaw dahil sa COVID-19.