Umabot na sa 1,000 ang kabuuang bilang ng dinadapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Mandaluyong.
Ito’y naitala ng health department ng lungsod matapos na madagdagan ng 20 na panibagong COVID-19 cases ang lungsod.
Sa kabuuang 1,000 na bilang ng nagpositibo sa nakamamatay na virus, 230 sa mga ito ang itinuturing na fresh cases, 116 naman ang bilang ng probable cases, at 740 ang suspected COVID-19 cases.
Sa kaparehong bulletin, naitala naman ang dagdag na lima na mga gumaling na sa virus.
COVID-19 UPDATE pic.twitter.com/N4ngsFFx32
— MandaluyongPIO (@MandaluyongPIO) July 2, 2020
Dahil dito, may kabuuang 704 na ang bilang ng mga nakaka-recover sa virus.
Samantala, napanatili naman ng lungsod ng Mandaluyong sa bilang na 66 ang kabuuang COVID-19-related cases.