Umabot na sa higit 800 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Marikina.
Sa pinakahuling datos ng public information office, nasa 851 na ang kabuuang bilang ng mga COVID-19 cases sa lungsod.
358 rito ang aktibo o active cases, habang nasa 453 naman ang bilang ng mga tuluyang nakarekober sa virus.
Samantala, nasa 40 naman ang kabuuang bilang ng mga nasasawi sa lungsod ng marikina bunsod ng COVID-19.