Nakapagtala na ng kabuuang 5,179 na kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang lungsod ng Maynila.
Sa pinakahuling datos ng Manila City Local Government, 3,690 sa naturang bilang ang nakarekober na sa COVID-19 habang 1,253 ang nananatiling aktibo kaso.
Kaugnay nito, naitala sa Sampaloc ang pinakamataas na bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Manila City na umaabot sa 292.
Sinusundan ito ng Tondo District na mayroong 255 COVID-19 active case, Tondo 2 na may 133 at Sta. Mesa sa bilang na 111 aktibong kaso.
Samantala, nasa 236 na ang kabuuang bilang ng nasawi sa COVID-19 sa lungsod ng Maynila matapos madagdagan ng 17 bagong kaso ng pagkasawi dahil sa virus.