Bahagya muling tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila nitong mga nakalipas na araw.
Na-obserbahan ito ng OCTA Research Group noong November 5 hanggang 11.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA, umabot sa 423 COVID-19 cases ang naitala noong November 5 hanggang 11 kumpara sa 364 cases noong November 3 hanggang 9.
Gayunman, ipinunto ni David na wala pang malinaw na indikasyon na “nag-plateau” na ang downward trend.
Maaari anyang ang bahagyang pagtaas ng bilang ay ma-i-uugnay sa paglabas ng maraming tao noong Undas at ilang backlog sa COVID-19 data system.
Samantala, bumaba sa 14% ang weekly growth rate sa National Capital Region habang bahagyang umakyat sa .44 ang reproduction number. —sa panulat ni Drew Nacino