Nananatili sa 20,933 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, wala silang natanggap na ulat na bagong kaso ng Overseas Filipinos na nagpositibo sa nasabing sakit.
Sa bilang ng kumpirmadong kaso, 7,334 ang mga pasyenteng nagpapagaling.
Umabot naman sa 12,354 ang bilang ng mga nakarekober sa sakit habang nasa 1,245 ang mga nasawi.
Sinabi pa ng DFA na mula sa 95 bansa at teritoryo ang naitalang kaso ng COVID-19 sa mga Pilipino abroad. — sa panulat ni Hya Ludivico