Umaabot na sa 62 mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kumpirmadong nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) mula noong Marso hanggang Hulyo.
Ayon kay MMDA Spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago, 20 sa nabanggit na bilang ang active cases kung saan apat ang kasalukuyang nasa isolation facility habang isa naman ang nasawi.
Dagdag ni Pialago dalawang araw din silang nagsuspinde ng operasyon noong Hulyo 9 at 10 para isailalim sa sanitation at disinfection ang kanilang tanggapan.
Una namang sinabi ni mmda chairman danilo lim na nagtayo na sila ng sariling isolation facility para i-accommodate ang kanilang mga empleyado na magpoposiotibo sa COVID-19 rapid test, ma-i-expose sa isang positibo sa virus at naghihintay pa ng resulta ng swab test.