Sa kabila ng ipinatutupad na mas maluwag na alert level 2, dumoble ang bagong COVID-19 cases sa Metro Manila sa nakalipas na dalawang araw.
Ayon kay OCTA Research Fellow, Dr. Guido David, sumampa na sa 4,040 ang additional COVID-19 cases sa NCR kahapon kumpara sa 2,008 na new cases noong linggo.
Maaaring resulta lamang anya ito ng backlog sa release ng test results lalo’t sumadsad na sa 17% ang positivity rate sa rehiyon o posible ring panibagong pagsirit ng COVID cases.
Nilinaw ni David na hindi pa dapat mag-panic dahil nagbabala naman noon ang DOH na maaaring magkaroon ng backlog bukod pa sa hindi basta-bastang tumataas ang cases sa lahat ng LGU.
Umaasa naman si David na hindi premature ang pagbabalik sa alert level 2 ng Metro Manila pero dapat pa ring mag-ingat at sumunod sa minimum health protocols.