Inihayag ng OCTA Research Group na tapos na ang COVID-19 peak sa Metro Manila.
Bagama’t ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ang pagsirit ng mga kaso ng naturang sakit sa bansa ay hindi pa matatapos.
Sinabi pa ni David na naitala sa bansa ang negative growth rate sa nakalipas na dalawang linggo, habang ang kasalukuyang current growth rate ng bansa ay nasa -17%.
Iginiit naman ng eksperto na kahit na manatili ang Metro Manila na una sa listahan ng mga rehiyon na may bagong COVID-19 cases ay maaaring ilang araw pa bago mag-peak ang mga kaso sa mga lugar na malayo sa National Capital Region (NCR)