Unti-unting bumababa ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Pagmamalaki ito ni Health Secretary Francisco Duque III kung saan aniya ay nasa 800 na lamang ang average COVID-19 cases sa Metro Manila kumpara sa halos 7,000 kaso nuong kasagsagan ng pandemya.
Binigyang diin sa DWIZ ni Duque na tuluy-tuloy ang mahigpit na pagkilos ng gobyerno para makaagapay sa pandemya dahil ilang lugar din sa bansa ang nakakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19.
Kabilang aniya sa mga paraang ito ang pagpapalawig sa mga temporary treatment facilities at pagtataas ng COVID-19 bed allocation bukod pa sa pakikipagugnayan sa pribadong sector para labanan ang pandemya.